Skip to main content

Posts

Showing posts from January, 2014

Simbang Gabi

December 14, 2013 8:47pm Ilang tulog na lang Misa de Gallo na. Tulad ko, alam kong madami na ring excited para sa napakahalagang pagdiriwang na ito. Mayroon nga yung iba inihahanda na yung mga damit na gagamitin nila para sa siyam na araw na Misa de Gallo (kung magagamit nga nila lahat at makukumpleto nila). Yung iba naman kinontrata na ang mga kaibigan para may makasama sila. Mayroon din naman yung iba na sine-set na yung alarm clock nila para masigurong hindi sila male-late at may mauupuan sila. Okay, all set na, handa na ang lahat! Di na nga tayo makatulog ng mabuti eh dahil sa sobrang excitement. Pero naisip ko lang, handa na nga ba talaga tayo? Sapat na ba ang mga paghahanda natin? Ano ba ang meron sa Misa de Gallo at alat na atat tayong makadalo? Gaano ba ito kaimportate sa atin? Ang unang tilaok ng manok sa madaling araw ng Disyembre 16 ang simula ng pagdiriwang ng Misa de Gallo, na kilala sa mga  Pilipino  bilang Simbang Gabi. Ang selebrasyon ng misang ito ang pi...