Skip to main content

Simbang Gabi

December 14, 2013 8:47pm
Ilang tulog na lang Misa de Gallo na. Tulad ko, alam kong madami na ring excited para sa napakahalagang pagdiriwang na ito. Mayroon nga yung iba inihahanda na yung mga damit na gagamitin nila para sa siyam na araw na Misa de Gallo (kung magagamit nga nila lahat at makukumpleto nila). Yung iba naman kinontrata na ang mga kaibigan para may makasama sila. Mayroon din naman yung iba na sine-set na yung alarm clock nila para masigurong hindi sila male-late at may mauupuan sila. Okay, all set na, handa na ang lahat! Di na nga tayo makatulog ng mabuti eh dahil sa sobrang excitement. Pero naisip ko lang, handa na nga ba talaga tayo? Sapat na ba ang mga paghahanda natin? Ano ba ang meron sa Misa de Gallo at alat na atat tayong makadalo? Gaano ba ito kaimportate sa atin?

Ang unang tilaok ng manok sa madaling araw ng Disyembre 16 ang simula ng pagdiriwang ng Misa de Gallo, na kilala sa mga Pilipino bilang Simbang Gabi. Ang selebrasyon ng misang ito ang pinakamahalaga sa lahat ng mga tradisyon tuwing Kapaskuhan dahil ito ang sumisimbulo sa pagdating ng tagapagligtas na si Cristo. Ang Simbang Gabi ay isang kinaugaliang pagdaraos ng Santa Misa sa Pilipinas tuwing panahon ng Kapaskuhan. Tinatawag din itong Misa de gallo  (mula sa Kastilang Misa de Gallo, o “misa ng tandang“, sapagkat sa pagtilaok ng lalaking manok, magsisibangon na ang mga mag-anak para makinig ng misa sa pinakamalapit na simbahang pamparokya). Isa itong misang idinaraos bawat madaling araw sa loob ng siyam na araw bago sumapit ang araw ng Pasko. Nagsisimula ang pagmimisa tuwing ika-16 ng Disyembre hanggang ika-24 ng Disyembre, na kadalasang sinasagawa sa mga Romano Katolikong simbahan sa Pilipinas tuwing ikaapat hanggang ikalima ng umaga. Ang misa sa madaling araw na ito ay isa sa pinakamatagal at pinakabantog na tradisyong Pilipino sapagkat lubos itong pinaghahandaan ng bawat isa. Nagsisilbi rin ang misa bilang isang nobena para sa Birheng Maria.
Bukod dito, nagsisilbi ring pagkakataon ang pagnonobena upang idalangin ang mga kahilingang nakatuon kay Hesukristo, kaugnay ng paniniwalang matutupad ang hinihingi kapag nakumpleto ang siyam na misa sa madaling-araw.  Maling paniniwala. Maling mali. Minsan ito na lamang ang rason nila kung bakit pinipilit nilang kumpletuhin ang siyam na araw na Simbang Gabi sa kagustuhan na sana matupad ang kahilingan nila. Sabi nga sa isang kanta, “Kinakausap lang kita kapag ako’y nangangailangan”. Totoo nga naman. Nagsisimba lang tayo kasi kailangan Natin ang tulong niya. Taliwas sa tunay nitong ibig ipakahulugan. Okay lang naman ito, pero bilang Kristiyano obligasyon mong dumalo sa pagtitipong ito. Obligasyon mong kumpletuhin ito, may kailangan ka man o wala. Obligasyon  mong samahan ang simbahan sa paghahanda sa pagdating ng ating tagapagligtas na sai Kristo. Obligasyon mong ihanda rin ang iyong sarili sa pagdating Niya.
Tuwing Misa de Gallo, masaya kong pinagmamasdan ang mga tao. Yung dating chapel na di nakakalahati, wow himala! Ngayon punong puno! Ang sarap lang pagmasdan, mga bagong mukha at meron din naman yung mga dati na talagang nagsisimba. Pero naisip ko lang, sana lagi lagi na lang misa de gallo para lagi ring puno ang Chapel tuwing may misa. Pero ganunpaman, Masaya parin ako kasi madami pa ring tao ang hindi nakakalimot na manalig sa Diyos kahit sa kabila ng mga pinagdaanan natin. Nawala at nawasak man ang mga bahay natin, mga ari-arian at pati simbahan. Pero hindi kailanman mawawala ang ating pananampalataya sa Panginoon.
Minsan sadyang may mga tao talagang pasaway. Gumigising ng maaga. Naliligo, bihis na bihis. Dumidiretso sa chapel. Pero hindi pagsisimba ang inaatupag kundi mas inuuna pa ang pagde-date nila ng kanilang boyfriend o girlfriend. Iba na yung ginagawa, ginamit pa nila ang Misa de gallo para lang makalusot kay Nanay at Tatay. REMEMBER: SIMBANG GABI IS A WORSHIP NOT A COURTSHIP!
Pero ganunpaman, alam kong hindi parin mawawala sa puso nating mga Pilipino ang tunay na kahulugan ng pagdiriwang na ito. Alam kong madami paring dumadalo sa Simbang Gabi dahil gusto nilang ihanda ang kanilang sarili sa pagsalubong sa tagapagligtas na si Kristo. Nawa’y maging makahulugan at maligaya ang pagsalubong natin sa Kanya!

Comments

Popular posts from this blog

Tuliro

11.5.2017 - 11:51PM Magigising ng maaga, papasok sa school, dadaan sa Chapel,  magtuturo, makikipagsalamuha sa iba’t ibang klase ng tao sa buong araw, haharapin ang sandamakmak ng mga papel, kakausapin ang sarili, tititigan ang laptop, uuwi ng gabi, magpapahinga saglit, maghahanda para sa kinabukasan, iisipin kung ano ang gagawin sa klase, magbabasa ng lessons, tatahimik ng ilang saglit, kukumustahin ang sarili bago matulog. 'Yan lang ang ilan sa madalas kong gawin araw-araw. Paulit-ulit. Minsan masaya pero kadalasan nakakapagod at nakakasawa na. Halos tatlong taon na ako sa pagtuturo at masasabi kong masyado pa akong bata sa propesyong ito at madami pa akong kailangang basahing libro para maging bihasa sa pagtuturo. Kadalasan, may naiiwang katanungan sa aking isipan sa mga pagkakataong napapag-isa ako pagkatapos ng mahabang araw sa school, “Masaya pa ba ako? Gusto ko pa ba ang pagtuturo? May patutunguhan pa ba lahat ng ginagawa ko?” Pero tulad ng inaasahan, wala akong makuha...

PAPA FRANCISCO NAMING MAHAL

Marso nung nakaraang taon ika'y ipinakilala Hinirang ng mga Kardinal at iprinoklamang Bagong Santo Papa Nagbunyi ang simbahang Katoliko, maging ang buong mundo Natuwa, nagalak at naiyak ang lahat sa pagdating mo. Bagong pag-asa ang hatid mo Panibagong umaga matapos ang mahabang gabi ang aming susuungin Bagong simula na aming haharapin Panibagong pagkakataon para sa Simbahang Katoliko Ika'y isang inspirasyon sa aming mga kabataan Inyong kasimplehan lubos naming hinahangaan Pagmamahal mo sa simbahan ay di matatawaran Wala kang pinipili maging sa amin na makasalanan Sa iyong nalalapit na pagdalaw sa aming bansa Na naturingang pinakamalaking Kristiyano sa Asya Muling uusbong ang umaapoy na pananampalataya Sa bawat isa, bata man o matanda, may ngipin man o wala Matapos ang mahabang delubyo Lindol, baha at malalakas na bagyo Alam naming muling sisikat ang araw At kami'y muling ngingiti sa inyong pagdalaw Aming munting hiling mahal...

GRAY

GRAY Walking in the middle of a starry night Holding our last picture that gives me euphoria I glanced at the photo and hugged it tightly. But in an unforeseen way. Someone robbed it, and he ran away. I chased the culprit. I ran so fast I doubled my effort But I stumbled I stood up, but I was lost. Lost in a foreign place A vast place where there is nothing but darkness I screamed for help But no one responded. I cried in desperation But it was no good I drowned myself with hopelessness. But it was a reckless decision. I looked up when I saw a speck of light. I jumped with gladness. I shouted with bliss. But it was only a strange thing in the sky. I smiled weakly Boundless frustration I continued running Chasing the light Believing that there is an end to this suffering Yet, I know that I was fooling myself. Isolated with my own thoughts Disappointed with my beliefs And I decided not to fight any longer. Not to continue t...