Marso nung
nakaraang taon ika'y ipinakilala
Hinirang
ng mga Kardinal at iprinoklamang Bagong Santo Papa
Nagbunyi
ang simbahang Katoliko, maging ang buong mundo
Natuwa,
nagalak at naiyak ang lahat sa pagdating mo.
Bagong
pag-asa ang hatid mo
Panibagong
umaga matapos ang mahabang gabi ang aming susuungin
Bagong
simula na aming haharapin
Panibagong
pagkakataon para sa Simbahang Katoliko
Ika'y
isang inspirasyon sa aming mga kabataan
Inyong
kasimplehan lubos naming hinahangaan
Pagmamahal
mo sa simbahan ay di matatawaran
Wala kang
pinipili maging sa amin na makasalanan
Sa iyong
nalalapit na pagdalaw sa aming bansa
Na
naturingang pinakamalaking Kristiyano sa Asya
Muling
uusbong ang umaapoy na pananampalataya
Sa bawat
isa, bata man o matanda, may ngipin man o wala
Matapos
ang mahabang delubyo
Lindol,
baha at malalakas na bagyo
Alam
naming muling sisikat ang araw
At kami'y muling
ngingiti sa inyong pagdalaw
Aming
munting hiling mahal naming Santo Papa
Na kami'y
isali sa inyong dalangin at ang aming bansa
Sa lahat
ng pagsubok nawa'y aming makakaya
At
pagmamahal at kapayapaan maghari nawa
Muli,
Salamat po sa dala nyong pag-asa,
Pagmamahal,
kapayapaan at pananampalataya
Salamat sa
Panginoong mapagpala
Ika'y
binigay sa amin na napakalaking biyaya
Mainit na
pagtanggap ay buong puso
PAPA
FRANCISCO, MABUHAY PO KAYO!

Comments
Post a Comment