“Nakakainis! Ang daming ginagawa. Ang hirap mag-aral.” Ilang beses ko na yan narinig sa araw na ito. Halata mo sa mga mukha ng mga estudyante na nahihirapan sila. Walang katapusang requirements. Paubusan ng allowance dahil sa dami ng kailangang bilhin, madaming kailangang bayaran. Palakihan ng eyebags dahil kailangang tapusin ang lahat ng mga paper works bago matulog. Pagod. Puyat. Gutom.- yan ang mundo ng mga estudyante tuwing Final Term. Para silang de-bateryang robot na walang tigil na nagtatrabaho. Para silang de-bateryang robot- nauubos din ang enerhiya at lakas. Ganunpaman, hindi uso sa kanila ang sumuko. Bawal ang talunan. Kakayanin ang lahat, makapagtapos lang. Kahit pinagpapawisan na sa pagsagot sa napakahirap na Math Problem, maiisip lang ang hirap at sakripisyo ni Nanay at Tatay bigla yan tatayo at sasabihin, “Kaya ko to!”.
just dumping my thoughts here