Skip to main content

Posts

MY FIRST INSPIRATION

M y best friend, my savior, my redeemer, my motivation Y ou are even my first inspiration F aithfully, you always inspired me unconditionally I n spite of difficulties and complexities, you’re always there beside me. R aconteur in its nature S cholars would tell me your life with rapture T ambourines and drums I t’s a music that inspired me like the book of Psalms. N o one even knows how happy I am S ending you is indeed a great manifestation P innacle of joy is always felt because of you, my inspiration I deals are met since you are my motivation. R adiant are you A nd there’s no space for blue T o you, my best friend inspired me so true,  an  I nspiration that leads me so close to you. O h Jesus! My best friend, my savior, my redeemer, my motivation N o one can ever replace you as my first inspiration!

Buhay Estudyante.

“Nakakainis! Ang daming ginagawa. Ang hirap mag-aral.”   Ilang beses ko na yan narinig sa araw na ito. Halata mo sa mga mukha ng mga estudyante na nahihirapan sila. Walang katapusang requirements. Paubusan ng allowance dahil sa dami ng kailangang bilhin, madaming kailangang bayaran. Palakihan ng eyebags dahil kailangang tapusin ang lahat ng mga paper works bago matulog. Pagod. Puyat. Gutom.- yan ang mundo ng mga estudyante tuwing Final Term. Para silang de-bateryang robot na walang tigil na nagtatrabaho. Para silang de-bateryang robot- nauubos din ang enerhiya at lakas. Ganunpaman, hindi uso sa kanila ang sumuko. Bawal ang talunan. Kakayanin ang lahat, makapagtapos lang. Kahit pinagpapawisan na sa pagsagot sa napakahirap na Math Problem, maiisip lang ang hirap at sakripisyo ni Nanay at Tatay bigla yan tatayo at sasabihin, “Kaya ko to!”.

Simbang Gabi

December 14, 2013 8:47pm Ilang tulog na lang Misa de Gallo na. Tulad ko, alam kong madami na ring excited para sa napakahalagang pagdiriwang na ito. Mayroon nga yung iba inihahanda na yung mga damit na gagamitin nila para sa siyam na araw na Misa de Gallo (kung magagamit nga nila lahat at makukumpleto nila). Yung iba naman kinontrata na ang mga kaibigan para may makasama sila. Mayroon din naman yung iba na sine-set na yung alarm clock nila para masigurong hindi sila male-late at may mauupuan sila. Okay, all set na, handa na ang lahat! Di na nga tayo makatulog ng mabuti eh dahil sa sobrang excitement. Pero naisip ko lang, handa na nga ba talaga tayo? Sapat na ba ang mga paghahanda natin? Ano ba ang meron sa Misa de Gallo at alat na atat tayong makadalo? Gaano ba ito kaimportate sa atin? Ang unang tilaok ng manok sa madaling araw ng Disyembre 16 ang simula ng pagdiriwang ng Misa de Gallo, na kilala sa mga  Pilipino  bilang Simbang Gabi. Ang selebrasyon ng misang ito ang pi...